Ang Palaboy
Siya’y palaboy, walang mapuntahan
Walang pamilya o tahanan
Naghahanap, nangungulila
Sa pagmamahal at pagkalinga
Nakatingala sa mga dumaraan
Sa pagtingin, gutom ba’y nababawasan?
Naiibsan ba ang sugat at sakit
Ng kawalang-pakialam at panlalait?
Kumakalam ang kanyang sikmura
Sa gutom na hindi humuhupa
Patuloy lang ba siyang daraanan
Hanggang dumating ang kamatayan?
Sa kanyang panaghoy, walang nakakarinig
Sa kanyang mga luha, walang naaantig
Ang mga tao ba’y sadyang ‘di naaawa?
Sa pagtulong ba’y walang pagkusa?
Siya’y palaboy, walang mapuntahan
Walang tiyak na patutunguhan
Sino nga naman ang magkakalinga
Sa tulad niyang isa lamang pusa?
Latest posts by Jairene Calabia Cruz-Eusebio (see all)
- Bulong ng mga Diwata - March 1, 2024
- Tahanan - November 27, 2021
- Separation Anxiety: A Mother and Child Story - October 3, 2021