Author: Ferdie L. Eusebio

Liham Sa Mandirigma

Liham Sa Mandirigma

Wag ipagkamali, bunying mandirigma, ako’y nalulungkot sa ‘yong kabiguan. Wala na nga yatang makapaghahanda sa mga sugat mong ngayo’y dinaramdam. Ika’y kalingkingang nasugatan bigla kaya nagdaramdam ang bayang katawan. Ngunit, mandirigma, batid mo ba kaya pasakit mong likha sa ‘yong pinagmulan? Nasaang korner ka no’ng…

La Luna del Cráneo

La Luna del Cráneo

Mabuti pa ang buwan, malayang nagniningning sa kalawakan. Nakakalabas sa kanlungang langit at nakakaulayaw ang mga tala tuwing siya ay naiinip. Para bang nang-iinggit sa tuwing ako ay sisilip sa bintana kong maliit upang tanawin ang daigdig na nagkukumot ng dilim. Ngunit dahil sa kanyang…

Nawawala

Nawawala

“Nawawala na yata ako.” Isang oras nang pabalik-balik sa masikip na eskinita ang dalawampu’t tatlong taong gulang na rider na si Jojo. Hinahanap niya kasi ang address ng pagdedeliveran ng abot tatlong libong pisong pagkain na ipinabili sa kanya sa McJonalds. Ilang beses na niyang…

Warak

Warak

Winawarak ang puso ni Elsa habang nakasandal sa poste ng pasilyo ng pampublikong ospital. Halos hindi niya masikmurang pagmasdan ang tila karagatan ng mga pasyenteng naghihintay ma-admit sa COVID section. Winawarak na akordyon naman ang kahawig ng paghinga ng asawa niyang hinang-hinang nakayupyop sa kanyang…

Kurap

Kurap

Kukurap-kurap na ang sampung taong gulang na laptop ni Aldrin. Kung kailang kalagitnaan ng mid-term exam niya ngayong senior high school ay saka tinopak nang husto ang nag-iisang kompyuter sa kanilang bahay. “Kuya, di ka pa ba tapos? May assignment kami!” Sigaw ng sampung taong…

Puso Ang Pabrikang Di Dapat Magsara

Puso Ang Pabrikang Di Dapat Magsara

Ikaw ay pagód na, ‘yan ay aking batid,sa maraming bagay sa pabrika’t bahay.Kayraming bayarin ang dapat itawidng s’weldong sing tamlay ng ‘sang lantang gulay. Pagod din, marahil, ang ‘yong kaluluwasa bawat araw mong kápit sa patalimsapagkat ni minsan ay di napupunaang ‘yong sakripisyo at gawang…