Author: Ferdie L. Eusebio

Pasyong Mahal sa Koronang Tinik

Pasyong Mahal sa Koronang Tinik

Aba, Ginoong Pandemyangpunumpuno ng disgrasya,pasakit mo’y sobra-sobrasa kalusugan at bulsang hikahos na balana. Itong koronang matinik,walang katulad ang bagsik,parang latigo humaplit.Iwaksi man nang mabilis laksang hapdi’ng ibabalik. Ang Hari naming magaling,sa kapangyariha’y lasingkayâ inaantok pa rin.Binihag na ng salarin,madla pa ang dinidiin. D’yos por Santong…

Anak ng Tokwa

Anak ng Tokwa

May kumot pa ang umagaAt nagmumuta ang mataNgunit binabagtas ko naAng sanga-sangang kalsadaKanto, kalye’t abenidaNg mabunying kabiseraNg ‘sang bayan sa LagunaBitbit ang aking paninda. Lagi’t laging nakasukbitSa mabigat na balagwitNa kawayang kasingnipisNg balikat kong maliitAng pagkaing kasingtamisNg ngiti ng suking paslitAt agahang pampatawidNg sino mang…

Lobo

Lobo

Tunay bang lalaya kung sakasakaling
Pagpasyahan nilang bitawan ang tali?

Bahay-bahayan

Bahay-bahayan

Ang kanyang maliit na bahay-bahayan Ay isang pasyalan ng mga turista. Naroon ang silid na kanyang kanlungan: Isang palaruang mayroong camera. Siya ay prinsesang t’wina’y dinadalaw Ng mga prinsipeng may pílyong layunin. Kapag sa bintana, sila’y dumudungaw Ay nag-uumpisa ang kanyang gawain. Kahit ang prinsesa’y…

‘Sang Gabi Ng Lockdown

‘Sang Gabi Ng Lockdown

Kagabi, ang buwanay para bang ice creamna sobrang linamnam. Ako ay nangasimsa ‘king pag-aasam.Kaya ko hiniling sa mahal kong inangako ay ibiling isang kutsarang ga-bangka ang laki.Wala na raw tindakahit sa grocery. At muling umugongang aking sikmurakagaya ng motor. Pa’no’y kahit talasa dako pa roon,katulad…

Gitara

Gitara

Alay kay Tony Palis Umaawit ang magdamag sa kalabitng maestro sa ulilang instrumento. Mataginting… mataginting. Bawat kulbit, lagablab na inuusigang damdaming nahihimbing nitong mundo. Mataginting… mataginting. Napapawi, kahit dilim. Free Image from Pixabay. Guitar Landscape Silhouette