Author: Ferdie L. Eusebio

Rebulto

Rebulto

Kung kaya ko lamang dukutin ang puso,May isang rebulto akong itatayo.Rebultong marapat sa mga dakilaAt mga bayani ng ating bandila. Pagkat ang puso ko’y nalinlang ng awitAt mga pangako ng huwad na langit,Ngayo’y isang bato na ayaw tumibokDahil punumpuno ng dusa’t himutok. At dahil ang…

Tanghaling Tapat

Tanghaling Tapat

Tanghaling tapat. Naglalagablab maging ang sahig ng daigdig. Lima kaming nakapila sa harap ng isang de-pangalang botika sa tapat ng isang pribadong ospital. Huli akong dumating pagkat napilitang maglakad dulot ng kakulangan sa bumibiyaheng tricycle. Bagamat nakapayong ako’y nanlilimahid pa rin akong sumapit sa patutunguhang…

Kulang Mang Pambayad Itong Aking Tula

Kulang Mang Pambayad Itong Aking Tula

Ina’t ama na rin kayong itinuring Sa loob ng silid-aralang tahanan Kahit noong ako’y paslit pa’t uhuging Letra at numero’y unang sinubukan.   Araw ma’y himbing pa sa kanlungang langit, Kayo ay mulat na upang salubungin Kaming mga anak sa ibang pag-ibig At sa pagkatuto…

Phoenix

Phoenix

Tayo’y nagliliyab sa t’wing umiibig; ito’y sumpang pataw nang tayo’y likhain. Kapag dumarating ang takdang kapares, ang apoy sa dibdib, dagling nagigising.   Tayo’y lumilipad sa pagdedeliryo. Mga ibong gala sa taas ng lagnat. At kapag ubos na ang layaw sa mundo, dadapuang pugad ay…

Apodyopsis*

Apodyopsis*

Tinutulaan ko Ang iyong alindog sa suot na damit Ang bawat kurbada at bawat pulgada ng baywang mo’t dibdib Ang bawat piraso ng hiblang nilugay na parang tilamsik Ng tubig sa labing sadyang nauuhaw sa’yong mga halik. Tinutulaan ko ang iyong pag-alis Ng damit sa…

Walang Ibang Gamot

Walang Ibang Gamot

Ang sakit ng kalingkingan,dama ng buong katawan. Kapag nagkakasakit tayo, hindi lang isang tao ang nakakaramdam nito; ramdam ito ng buong pamilya. Naroroon ang mga magulang na parang pinipiga ang puso tuwing nakikita ang kalagayan ng anak. Naroroon ang asawang tila kinakapos ng hininga kapag…