Author: Ferdie L. Eusebio

Haibun ng Tagumpay

Haibun ng Tagumpay

Sa lahat ng bagay na naganap sa Pilipinas mula sa pananakop sa WPS, sa illegal migrants at drogang mula sa China, hanggang sa pag-abandona at pag-aakusa sa mga tripulante ng nabanggang F/B Gem-Ver, sinong mag-aakalang makukuha natin ang pagkapanalong minimithi sa anyo ng larong basketball?…

Isang Gabing Pikit Ang Mundong Marikit

Isang Gabing Pikit Ang Mundong Marikit

Isang gabing pikit ang mundong marikit, Nilamon ng tuso at hambog na dragon Ang papel na bangkang tinangay ng alon. Walang maririnig kahit saang sulok Kundi ang halakhak ng hadeng matilos. Ano nga bang laban ng gusgusing bangka Sa serp’yenteng dragong turing ay dakila? Sigurado…

Tunggalian

Tunggalian

Ang sigaw ng puso ko: “Bukod-tanging ikaw lang!” Ang bulong ng sentido: “Bulsa ko’y walang laman.”   Free image Heart and Brain

Binhi

Binhi

Ang búhay n’ya’y binhing babago lang tanim: Mahina’t maliit. Wala pa mang ugat, nais nang gapasin. Nang magbago’ng klima’t kumalat ang lagim Kanilang ‘giniit: Kahit bubót pa ma’y dapat nang sunugin.   Ngunit kahit bubót, siya’y nagpunyagi. Pinilit mag-ugat Kahit na matayog, punòng katunggali. Gaya…

Samo’t Dalangin

Samo’t Dalangin

Parang may anino ng duda sa laylayan ng mga ulap, isang umagang gumising akong may kakaibang katiyakan at pag-asa. Di ko mawari kung sisikat ba o hindi ang araw sa likuran nila.   Habang ako’y matapat na nag-alay ng pinagtagni-tagning bersong umalingawngaw lamang sa kawalan…

Ang Pag-ibig ay Tokhang

Ang Pag-ibig ay Tokhang

Ang puso kong adik sa ‘yong pagmamahal Nakitang duguan sa isang lansangan. Nang mayro’ng magtanong kung anong dahilan: “Sa halip sumuko, piniling lumaban.”   Public Domain Image Bloody Heart