Kaibigang Kawatan
Bahay na nanakawan ay lumubog sa utang; nandambong na kawatan tinawag pang kaibigan. Public Domain Image Thief
Bahay na nanakawan ay lumubog sa utang; nandambong na kawatan tinawag pang kaibigan. Public Domain Image Thief
Ang iyong alindog Ay batobalaning sa ‘kin ay humigop Tungo sa ‘yong ganda, taas at hiwaga palabas ng lungsod Hulagway ng mutyang pirming nakahiga ay s’yang nanunuot Sa puso, sa diwa at kaibuturan ng katawang pagod At kaparis nito’y ang katotohanang alam ko nang lubos:…
‘Pag bago ang kalasag ng bunying kabalyero s’ya’y ‘di pa nasasabak sa pagsubok ng mundo. Public Domain Image Helmet Knight Armor
Ang pag-ibig ay alon: layuan mo’y hahabol habulin mo’y mamaktol maktol ka’y dadaluyong! Public Domain Image Wave Atlantic Pacific
Kandilang sinindihan upang baya’y tanglawan ang siya ngayong ilaw sa puntod ng pumanaw. Public Domain Image Candle Light Ang tulang ito ay isa sa mga nagwagi sa Tula Táyo 2021 (kategoryang Tanaga) na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF.
Butanding na mahinhin at singlaki ng pating pilitin mang sukatin – isda pa rin ang turing. Public Domain Image Whale Shark