Tag: tulang pilipino

Lurok

Lurok

Kung ang batong kaytigas Sa ambon naaagnas Paano kung mababad Sa buhos na kaylakas?   Di ba’t kahit ang ulap Sa sintang alapaap Ay dagling naiiyak ‘Pag damdami’y bumigat?   Maging ilat at ilog Saglit ring natutuyot ‘Pag nagtampo ang agos Ng daluyang nagdulot.   Katulad…

Gapasan

Gapasan

Hindi na nga palay ang itinatanim Sa ‘ting natutuyong mumunting bukirin Walang ibang punlang tutubo marahil Kundi droga, bala, at lagim ng baril.   Paglao’y yayabong ang punlang hinasik Na para bang kamay na saklot ang langit; Ang samyo ng bunga, dugo ang kawangis Na…

Ang K’wento N’ya

Ang K’wento N’ya

Lagi’t laging mayro’ng pasa ang maamo niyang mukha Pagkatapos s’yang awayin ng kaklase’t kapwa bata Ganyan lagi ang k’wento n’ya; ‘di lang natin mahalata Pagkat laging nakangiti kahit takot, nahihiya.   Binansagang aswang, kapre, tiyanak at ‘sang maligno Tinawag ding bansot, ampon, payatot at kabonegro.…

Flores de Mayo

Flores de Mayo

Sa isang munting parada ng mga bulaklak, ikaw ay natatangi sa ganda at busilak Na marahang pumaparada sa mga mata ng mga debotong naglalakad sa kalsada.   Di ko alam kung sinong mas matimtiman; ang banal na birhen sa prusisyon o ikaw Na nagsasabog ng…

Kahon Kahon

Kahon Kahon

I. Kahon-kahong pasalubong Ang dumating kanina lang; Laman nito ay pantalon Mga damit at laruan.   Kahon-kahon ding de-lata Mga kendi, tsokolate May kalakip din na pera Para kina kuya’t ate.   Kahon-kahong mga sabon Kolorete at pabango ‘Di mabilang sa maghapon O kahit pa…

Ang Palaboy

Ang Palaboy

Siya’y palaboy, walang mapuntahan Walang pamilya o tahanan Naghahanap, nangungulila Sa pagmamahal at pagkalinga   Nakatingala sa mga dumaraan Sa pagtingin, gutom ba’y nababawasan? Naiibsan ba ang sugat at sakit Ng kawalang-pakialam at panlalait?   Kumakalam ang kanyang sikmura Sa gutom na hindi humuhupa Patuloy…