Author: Ferdie L. Eusebio

Ganyan Ka

Ganyan Ka

Kapag ako’y nag-iisa O di kaya ay abalá, Saka ikaw magpupunta Sa puso ko at haraya.   Ay, ganyan ka aking sinta, kaya kita sinasamba.   Kapag gabi ay tahimik at ang mundo’y naiidlip Saka ikaw ay aawit sa puso kong nananabik.   O, ganyan…

Sa Tuwing Sasakmalin Ng Dilim Ang Bukirin

Sa Tuwing Sasakmalin Ng Dilim Ang Bukirin

At sumasalakay sila sa karimlan ng gabi. Pusikit pang nababalot ng dilim ang bukirin Tuwing sila’y dumarating, walang abiso o pasabi.   Tila mga anay silang humahanay sa bawat baging, Tangkay, dahon at bunga – matiyagang naghuhukay, Naghuhukay nang naghuhukay sa pakay na kunin.  …

Magic

Magic

Ang pagtatagpo nati’y mahiwaga; isang munting kababalaghang ‘di madalumat ng isipan. Para kasing sa dinami-rami ng manonood ng iyong palabas, bukod tanging ako ang pinalad na ilagay mo sa iyong tabi. At nagsimula ang pagtatanghal sa tunog ng masigabong palakpakan. Ako’y pinalutang mo sa hangin…

Compass 2.0

Compass 2.0

Kundangang bakit Nang mawala ka, Saka ko nasilip Ang distansya Ng tamang daan Pauwi sa aking sarili.   Public Domain Image Compass

Ang Pusa Sa Kandungan Ni Sisa

Ang Pusa Sa Kandungan Ni Sisa

Kung kaya ko lamang damahin ang sakit Ng bawat kulata, suntok at sabunot Ng iyong kabiyak – pati na ang galit Ay ‘di mo na sana ipanghihilamos Sa mukhang marikit ang patak ng luha.   Ang kaya ko lamang sa ngayon ay pilit ikalmot nang…

Sa Habang Panahon

Sa Habang Panahon

Tulad mo’y bulaklak sa gitna ng hardin na dagling pinitas matapos mapansin Subalit sa halip na ika’y samyuhin – kinuyom sa kamay; pinigang mariin.   Naiwan kang sira; talulot mo’y lagas, ang hardi’y nalunod sa luha mong katas. Umihip ding sunod ang hanging malakas at…